Isang malugod na pagbati sa lahat ng mga paaralang napabilang sa 2020 Brigada Eskwela Best Implementing Schools sa buong Pangasinan Division II!

Ito ay bunga ng walang pag-aalinlangang pagtutulungan ng mga estudyante, mga guro, mga magulang, mga nasa pribadong sektor, at ng ating Lokal na Pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Danilo C. Uy. Bagama’t nasa kalagitnaan pa rin tayo ng pakikipaglaban sa pandemya, hindi ito naging hadlang upang makamit ang mga pagkilalang ito sa mga paaralang nasasakupan ng ating bayan.