Ang Lokal na Pamahalaan ng Sison sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Danny C. Uy nagpapasalamat kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman, Mr. William “Butch” Ramirez at PSC National Sports Director, Mr. Marc Velasco sa kanilang pagbabahagi ng mga kagamitan para sa mga batang manlalaro sa ating bayan.

Sa pamamagitan ni Ms. Finnela T. Sim, PSC Regional Sports Coordinator, naipaabot ang naturang tulong, Bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ng Grassroots Programs ng PSC kung saan layunin nitong maging abot-kamay ng bawat atletang Pilipino ang makasabay sa mga kilalang mahuhusay sa buong mundo sa larangan ng sports.