Annual Audit Report

Isang malugod na pagbati sa mga kawani ng LGU Sison sa pangunguna ni Mayor Danilo C. Uy dahil muli nilang napatunayan ang isang maayos at tapat na pamamahala alinsunod sa isinagawang Annual Audit Report (year ended December 31, 2021) ng Commission on Audit (COA).

Base sa Statement of Audit Suspensions, Disallowances, and Charges (SASDC) ng Audit Team ng COA, walang nakitang anumang paglabag sa paggamit ng pondo ng Lokal na Pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Uy.