BAYAN NG SISON TUMANGGAP NG PARANGAL

Ang ating Bayan ng Sison sa pamumuno ng ating butihing Mayor Danny Uy ay nabigyan ng karangalan at pagkilala mula sa Cities & Municipalities Competitiveness Index na pinamumunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Department of the Interior and the Local Government (DILG) na inanunsyu noong nakaraang December 2021 at ang mga awards o parangal at pagkilala ay pinagkaloob nitong February 8, 2022 sa isang hybrid awarding ceremonies para sa Region 1 awardees.

Ang ating bayan ay naparangalan bilang:5th PLACE NATIONWIDE under ECONOMIC DYNAMISM PILLAR, at 20th PLACE NATIONWIDE under OVERALL COMPETITIVENESSamong the 3rd to 4th class Municipalities in recognition and sincere appreciation for their exemplary performance in the 2021 Cities and Municipalities Competitiveness Index.Ayon sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) and buong Pilipinas ay mayroong 1,488 Municipalities.Sa isang pagtitipon ng mga barangay official at department heads, pinasalamatan ng ating punong lingkod, Apo Danny Uy ang mga department heads at lahat ng mga kawani ng ating lokal na pamahalaan sa kanilang maayos na pagseserbisyo bilang lingkod bayan at hinikayat na lalo pang pagbutihiin ang paglilingkod upang patuloy na maramdaman ang pag asenso ng ating bayan na atin nang nasimulan.