CULTURAL MAPPING PROJECT (STAGE 1)

Nagagalak nating ipabatid na ang Cultural Mapping Project ng Lokal na Pamahalaan sa pakikipag-ugnayan sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ay pormal nang sinimulan ngayong araw.

Para sa kaalaman ng lahat, ang proyektong ito ay naisulong dahil sa marubdob na inisyatibo ng ating mahal na Ina ng Bayan, Madam Myrna Bell C. Uy at ng ating Municipal Tourism Officer, Mr. Daniel C. Uy. Bunga rin ito ng kanilang walang-kapagurang pagsuporta sa mga adhikain ng ating butihing Ama ng Bayan, Mayor Danny C. Uy na maprotektahan ang ancestral domains, kultura, at tradisyon ng mga Indigenous Peoples sa ating bayan.

Layunin ng Cultural Mapping Project na matukoy, maitala, mapangalagaan, maprotektahan, at higit na makilala ang mga pamanang yaman, tradisyon, kultura, kaugalian, at iba pang natatanging pagkakakilanlan hindi lamang ng mga katutubo kundi ng ating bayan sa kabuuan. Layunin din nito na manatiling buhay at patuloy itong makilala ng mga darating pang henerasyon.

Nais din nating pasalamatan ang ating resource speaker sa ginanap na Negotiation Meeting and Scoping ng nasabing proyekto, Mr. Farland Valera, NCCA Cultural Mapping Facilitator. Gayundin sa lahat ng mga nakibahagi sa makabuluhang aktibidad na ito.