DISTRIBUTION OF HYGIENE KITS

Sa ngalan ng ating butihing Ama ng Bayan, Mayor Danny C. Uy, pinangunahan ng ating mapagmahal na Ina ng Bayan, Madam Myrna Bell C. Uy ang pamamahagi ng hygiene kits sa mga preschoolers, kindergarten at grade 1 pupils sa ating bayan.

Ang programang ito ay bahagi ng pakikiisa natin sa pagdiriwang ng National Children’s Month ngayong buwan ng Nobyembre kung saan ang mga ipinamamahaging hygiene kits ay mula naman sa pondo ng Local Council for the Protection of Children (LCPC) ng ating Lokal na Pamahalaan.

Sa unang araw ng pamamahagi, kasama ang mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at si former SBM Nora Ventura, 15 elementary schools at 15 child development centers ang naabot ng naturang programa.