FINALIST OF THE 2021 MOST BUSINESS FRIENDLY LOCAL GOVERNMENT UNIT

MUNICIPALITY OF SISON, PANGASINAN ADVANCE TO FINAL JUDGING OF THE 2021 MOST BUSINESS FRIENDLY LOCAL GOVERNMENT UNIT AWARDS.

Tunghayan ang entry ng Lokal na Pamahalaan ng Sison kung saan isa tayo sa siyam (9) na munisipalidad (Level 2) sa buong bansa ang napabilang sa final judging ng 2021 Most Business-Friendly LGUs na itinaguyod ng Philippine Chamber of Commerce and Industry.

Posted by Local Government Unit of Sison on Thursday, October 14, 2021

Kasabay nito, sumailalim din sa isang panel interview noong October 8, 2021 si Mayor Danny C. Uy kung saan kanyang inilatag sa panel of judges ang mga mahahalagang inisyatibo ng Lokal na Pamahalaan sa ilalim ng kanyang pamumuno upang tugunan ang malaking hamon na manumbalik ang sigla ng kalakalan at makapaghikayat pa ng madaming mamumuhunan sa bayan sa gitna ng mga pagsubok na dulot ng Covid-19.