Fire Prevention Month

Pinangunahan ni Mayor Danny C. Uy kasama ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), MDRRMO, at ilang kinatawan mula sa Northern Cement Corporation (NCC) ang pormal na pagbubukas ng Fire Prevention Month na taunang ginaganap tuwing buwan ng Marso.

Ang programang ito ay naglalayong mabigyan ang mga mamamayan ng sapat na kaalaman upang maiwasan ang trahedya dulot ng sunog.