FREE WORKBOOK NG MGA PRESCHOOLERS, IPINAMAMAHAGI NA!

Nagsimula nang ipamahagi ngayong araw ang libreng workbooks ng mga preschoolers ng Child Development Centers sa ating bayan. Kasamang namahagi ng ating mapagmahal na Ina ng Bayan, Madam Myrna Bell C. Uy ang mga kawani mula sa MSWD sa pangunguna ni Ms. Lani Enriquez (MSWD Officer) sa Barangays Alibeng, Amagbagan, Camangaan, Killo, Poblacion Central, Poblacion Norte, at Tara-Tara.

Para sa kaalaman ng lahat, ang libreng workbooks na ito ay mula sa pondo ng ating Lokal na Pamahalaan na naisakatuparan bunga ng marubdob na inisyatibo ng ating butihing Ama ng Bayan, Mayor Danny C. Uy. Ang programang ito ay naglalayong makatulong na mabawasan ang gastusin ng mga magulang dahil libre itong ipinamamahagi. Hangarin din ng pamunuan ni Mayor Uy na patuloy na matiyak na dekalidad ang mga learning materials na natatanggap ng ating mga preschoolers.