Isa sa mga binigyang prayoridad ng ating butihing Mayor Danny Uy noong siya’y nahalal ay ang maayos ang supply ng kuryente sa ating bayan na sineserbisyuhan ng La Union Electric Cooperative (LUELCO). Dahil sa pagpursigi ni Mayor Uy ay naisakatuparan na din ang ating hiling na maayos ang supply ng kuryente sa ating bayan sa pamamagitan ng karagdagang electrical power SUBSTATION para sa ating bayan.

Ang nasabing substation ay napatayo na ng LEULCO sa Barangay Esperanza at hinihintay na lamang ang approval ng Toll Regulatory Board upang tumawid ang kanilang “sub transmission lines” sa TPLEX.Ang bayan ng Sison sa pamumuno ni Mayor Uy ay nagpapasalamat sa LUELCO at kay Secretary Raul L. Lambino, Presidential Adviser for Northern Luzon, sa kanyang pag tulong upang lalong mapabilis ang proseso na kinakailangan upang lubos na mapakinabangan ng ating bayan ang bagong power substation.