Isinagawa kaninang umaga ang kauna-unahang flag raising ceremony ngayong taong 2021. Sa maiksing talumpati na ibinahagi ni Mayor Danilo C. Uy, muli niyang hinimok ang mga kawani ng ating Lokal na Pamahalaan na manatiling tapat sa paglilingkod sa ating bayan. Ipinaalala din niya ang pagkakaisa at pagtutulungan upang maipaabot ang de-kalidad na serbisyo-publikong nararapat na matamasa ng mga mamamayan ng Sison hindi lamang ngayong panahon ng pandemya kundi sa lahat ng pagkakataon.