MALARIA AWARENESS MONTH

Isang symposium ang isinagawa kahapon sa Sitio Pinalpal, Barangay Inmalog upang magkaroon ang mga residente ng mas malalim na kaalaman at kung paano tuluyang sugpuin ang sakit na Malaria.

Kasabay nito, pinangunahan ng ating butihing Ama ng Bayan, Mayor Danny C. Uy katuwang ang ating mapagmahal na Ina ng Bayan, Madam Myrna Bell C. Uy, SBM Dandan Tayag, SBM Larry Benosa, Inmalog Barangay Council, at ilang kawani ng Municipal Health Office (MHO) sa pamamahagi ng Long Lasting Insecticide-treated Nets (LLIN) bilang bahagi ng taunang programa laban sa sakit na Malaria.

Ang mga ipinamahaging kulambo na tinubog sa insecticide ay bunga ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng pamunuan ni Mayor Uy sa Pamahalaang Panlalawigan. Bukod dito, nagsagawa rin ng Carabao Bait Trap sa nasabing sitio ang mga kawani ng MHO sa tulong at gabay ni Mr. Natalio Agustin, District Sanitary Inspector bilang bahagi ng proaktibong hakbang ng ating Lokal na Pamahalaan kontra Malaria.