MISA NG PASASALAMAT

Muling idinaos ang isang Misa ng Pasasalamat sa Sison Stadia ngayong umaga na dinaluhan ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating butihing Ama ng Bayan, Mayor Danny C. Uy. Nakasama rin ang hanay ng PNP-Sison, mga Punong Barangays, at ilang mga bisita.

Ang pag-aalay ng Banal na Misa ay regular na isinasagawa sa unang Lunes ng bawat buwan bilang pasasalamat sa mga biyaya mula sa Poong Maykapal.

Sa pagkakataong ito, tayo ay nagpapasalamat kay Rev. Fr. Jufer Lopez bilang mass presider sa nasabing pagdiriwang.