National Heritage Month

Ipinagdiwang ngayong araw ng Lokal na Pamahalaan ang National Heritage Month na may temang, “Pamanang Lokal: Binhi ng Kulturang Pilipino.”Isang natatanging araw din ito sapagkat nakasama natin bilang Keynote Speaker, si Fray Mervin G. Lomague, O. P., ang may akda ng aklat na “Pasen ed Agew: The Formative Years of Sison, Pangasinan”. Sa obrang ito ay naipamalas ang makulay na kultura at makabuluhang kasaysayan ng ating bayan.

Para din sa kaalaman ng lahat, mayroon nang mga programa upang higit na mapangalagaan at makilala ang mga pamanang yaman na ito ng ating bayan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Danny C. Uy. Ang tanggapan ng Municipal Tourism, Culture and the Arts sa pangunguna ni Mr. Daniel C. Uy ay naatasan upang ganap na maisulong ang mga hakbang na ito.