Pinangunahan ng ating Municipal Tourism Officer, Mr. Daniel C. Uy ang malugod na pagtanggap sa programa ng Pamahalaang Panlalawigan na “Pamanang Yaman, Produktong Pangasinan (PYPP)” dito sa ating bayan. Ito ay naglalayong maipakilala ang iba’t ibang natatanging produkto ng ating lalawigan. Isa din itong paraan upang matulungan na muling makabangon ang mga Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs), isa sa mga sektor na naapektuhan dulot ng pandemya. Para sa mga nagnanais bumili ng iba’t ibang produkto, magsadya lamang sa Sison Stadia Grounds, ngayong araw, May 21, 2021 hanggang 5:00 ng hapon.