Ang Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Danny C. Uy ay lubos na nagpapasalamat kay Cong. Ramon “Mon-Mon” Guico III sa pagkakataong naibigay sa mga Sisonian na magkaroon ng disenteng pagkakakitaan sa pamamagitan ng programang TUPAD na isinulong sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang payout sa 392 TUPAD Workers ay isinagawa ngayong araw sa tulong ng USSC na pinangasiwaan naman ni Mr. Darwin Hombrebueno, Head ng DOLE Field Office-Rosales.

Nagpapasalamat din tayo sa muling pagbisita sa ating bayan ni Vice Governor Mark Lambino kasama niya sina Binalonan Mayor Ramon “Monching” Guico, former Alaminos City Mayor Art Celeste, at Urdaneta City Councilor Jesus Isong Basco.