Pinansiyal na tulong mula sa DOLE sa pamamagitan ng programang TUPAD

Natanggap na din ng mga kababayan natin mula sa sektor ng TODA ang pinansiyal na tulong mula sa DOLE sa pamamagitan ng programang TUPAD. Sa ngalan ng Lokal na Pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Danny C. Uy, nais din nating ipaabot ang pasasalamat kay Cong. Ramon “Mon-mon” Guico III dahil sa sigasig niyang maisulong ang naturang tulong para sa mga kababayan nating tricycle drivers.

Ang programang ito ay bahagi pa din ng patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan na tugunan ang problemang kinakaharap ng mga kasapi ng TODA sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng walang-patid na pakikipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment (DOLE).