Regular Flag Raising Ceremony

November 2, 2022

Pinangunahan muli ng ating butihing Ama ng Bayan, Mayor Danny C. Uy ang regular flag raising ceremony ngayong araw sa Sison Municipal Grounds. Kasama sa aktibidad ang mga kawani at department heads ng ating Lokal na Pamahalaan, mga Punong Barangays, hanay ng PNP at BFP, at ilang mga bisita.

Sa maikling talumpati ng ating mahal na mayor, kanyang pinasalamatan ang lahat ng mga kawani na naglaan ng kanilang oras sa kabila ng 4 na araw na bakasyon upang patuloy na makapaglingkod sa ating mga kababayan noong kasagsagan ng bagyong “Paeng” at sa pagtiyak na matiwasay ang paggunita ng Undas 2022. Kanya ring pinuri ang ipinamalas na dedikasyon ng lahat na mas piniling maglingkod sa ating mga mamamayan sa kabila ng panganib na posible nilang kahaharapin sa pagtugon sa tawag ng tungkulin. Sa kabuuan, walang naitalang malaki o malalang pinsala sa ating bayan kung kaya’t lubos ang kanyang pasasalamat sa Panginoon.