TUPAD ORIENTATION

Sumailaim ngayong araw sa orientation ang 285 nating kababayan na napabilang sa TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ito ay bunga ng patuloy pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ng ating butihing Ama ng Bayan, Mayor Danny C. Uy.

Sa ngalan ni Mayor Uy, muling ipinaabot ni Mr. Daniel C. Uy (Senior Administrative Assistant/Municipal Tourism Officer) ang taos-pusong pasasalamat kay Cong. Ramon “Monching” Guico Jr. na naging instrumento upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kababayan natin na magkaroon ng 15 araw na pagkakakitaan.